Kriminal ako. Iyan ang tawag sa akin ng guro namin sa College Algebra. Tinatawag niyang “kriminal” and mga Criminology students. Bakit? Kasi galit siya sa mundo. Maliban sa bob… eh mahin.. eh.. hindi ko paborito ang Math, wala naman akong nakikitang rason kung bakit siya galit. Para kasing pinag-iinitan niya kami ng seatmate kong tatawagin nating si TJ.
Kinikwentuan niya kami ng mga ekspiryens niya sa mga pulis. Oy! Huwag namang ganyan, hindi ganoon, kaw naman. Mga “ekspiriyens” nya sa mga pulis ng nahuli siya. May nagawa kasi siyang w0w maiLi. Oi! to naman. Nung nahuli siyang galing nag-inuman tapos ano, ah, may nagawa siyang kinailangan umabot sa prisinto. Aba! tetse! may nakabangga siya! Hindi iyon! May nakbangga siyang kotse.. ‘to naman oh.
Heeheehee! Midterms sana namin nung Sabado. Oo, pati Sabado kinukulong kami sa eskwelahang iyon. Mula Lunes hanggang Sabado, nilalakad namin ang daan patungo sa dulo ng araw. Ang init kasi, sobra, nakakainip. San nanga ba ako? ah! Hindi siya dumating, ‘yung guro namin. Aba! wala naman atang gustong sumagot sa mga pasulit na numero at letra ang nag-aaway. Siyempre, ikinatuwa namin ang balita. Nag sigawan ang mga kaklase kong vading. Kinanta ng mg vakla ang pambansang awit ng KKK. KKK- as in Kinakainggitang Kakampi ng mga Kashoklaan.
Hehe, ‘di naman umabot sa ganon, pero natuwa talaga kami. Hindi kasi kami nag-prepare kasi kahit na gaano katagal namin titigan iyong mga notes, aba magkakanose-bleed parin kami! Siguro maliban nalang sa dalawa o tatlo na kinaawaan ng Panginoon at binigyan ng talento sa pag lutas sa mga problema ng radicals, square root at kunga no paman iyong mga Mathematical terms nila na nakakapa nose bleed sa sambayanan.
Malapit ng mag alas dos ng umaga. Nakagawian ko ng magsulat sa ganitong oras. Wala ng natitirang gising kundi ako. Mind you, wala naman akong problema sa mga guro namin n’un. Nkakasabay naman ako sa kanila, tsaka madali naman akong kausap. Etoh lang talagang to eh para bang sinasadyang guluhin and isipan ko tuwing umaga. Ang sinumang maggugulo kay yours truly sa kaagahan ng umaga ay kailangang i pako sa krus!
Hindi naman, hindi lang talaga ako morning person. Siguro kung madaling araw, galing hatinggabi hanggang 4 am maganda pa panin gin ko sa tao. kapag nakatulog nako tapos gigisingin ako, nako! pasensya napo talagang matutunaw ka sa titig kong kay lamig.
Etoh siguro isang katotohanan tungkol kay anaknitetangpulah na dapat ipagbabala sa buong mundo. Nakakatunaw daw ang titig ko. Siyemprew nung una ko tong narinig tinawa ko lang. Pero lahat sila nagsasabing talagang intense daw yung mga mata ko. indi naman sa nangtatakot pero ngayon, naniniwala na ako. Hindi ko nga matitigan iyong sarili kong mga mata sa salamin mahigit limang muto. Mkahulugan din daw ang mga mata ko. Sabi ng isa sa mga kaibigan ko, nasasabi daw nya kung may iniisip akong maganda, nakakatuwa, nakakalungkot o nakakatakot. Minsan nga raw, pag nagagalit ako, which is sobrang rare, mas nakakatakot daw kung nananahimik lang ako. Aakalain mo raw na babatuin kita ng kung ano mang napakamalapit sa akin sa isang tingin lang. Siyempre hindi ako bayolenteng tao. Ni hindi ko nga mapatay yung kai laking ipis na nakita ko nung isang araw, tao pakaya.
Ano ba naman, eto na naman ako at nagagawa ng kahihiyan, kapal ng moks nga, ipopost pa to! LOL!
Kaya nga raw, hindi bagay sa akin ang magpulis. Mabait ako eh.. ui, lupit!! sinungaling! hahahahahah! hindi naman. Nung unang pasok ko palang para enrollment, tinititigan n’ako ng mga tao. parang hindi pa sila nakakita ng kay gandang nilalang na katulad ko. Ahahahah! Bang! bang! BOOGSH! kapal! ‘De, seryowsowh, sa lahat ng nagtanong sa’kin, kinailangan ko pang i wagayway ang student’s copy para paniwalaan nilang “kriminal” nga ako.
Sabi nga ng nanay ko, mas mabuti raw kung magshishift ako ng Education ngayong June. May 2 na ngayon, enrollment na, peo pag-iisipan ko muna. Hindi ko pa nakuha iyong class card ko. pepsingmeowards! Akalain mo ba namang may multa akong 500 pesos! Aba hindi ko babayarab iyon. Iyong guro naming may atraso, yun pababayarin ko. Hindi nga ako halos nakabili ng mga libo para sa skwela dahil dun. Kung hindi ko lnag adviser yung tao hindi rin naman ako magpapahiram. Buti na ron yon, 10% na bawas nya. Malupit. Gipit na talaga lola nyoh! Nawawala ng kabaitan keh. nako! Kinakailangan ko ng masimba araw-aaw nito. Hay…
O siya, pasensiya na naman sa mga typos ah. Babalikan ko rin to next week. Kinakailangan na ng fugly sleep si yours truly. “Mwahugz”
X’s and O’s
char
-anaKniTetangpuLah-
