Sa ngayon, parang malinaw na na wala akong alam sa mga username at title. Kung masama akong tao dahil d’un, ako na siguro ang pinakamasama sa lahat ng walang alam. Sino ba ako? Anak ba talaga ako ni Tetang? Eh sino naman si Tetang? Kaibigan, wala akong sagot sa aking mga tanong. Anong ginagawa ko dito sa Word Press? Nandito ako dahil napag-isipan kong mag blog dito. Bakit? Dahil binura? (tama ba ‘yon?) ko ang dalawa kong blogs. Bakit? Wala. Wala akong alam kung bakit.

Kadalasan Ingles ang gamit ko kapag nagbablog. Hindi ako gaanong ah, magaling sa Filipino. Sa katunayan nga eh, maliban sa Physics, Filipino ang pinakamahina kong aralin/paksa sa eskwelaha n’ung araw. Gusto kong paniwalaan na mas mabuti ang kalagayan ko sa paksang Filipino ngayon, huwag na lang nating tanungin ang guro namin.

Konti nalang at mag-Iingles na ako. Mahirap mag blog sa Filipino pag Visayan ang nakasanyan tsaka kung hindi naman, Ingles ang alternatibo, oo, bisaya nga ako. Ngayon, patriyotiko ata, tagaleg ‘tong si ate. Nakatago ako sa maliit na lungsod na sentro ng isang probinsya. Para makapunta ka sa kung saan man nagtago si Rizal noon, kailangan mo pang bisitain ang lugar namin, maliban nalang kung magbabarko.

Nakakasulat lang ako ng Filipino sa mga kathang pinapasulat sa amin noon. Inspired lang siguro akong mag Filipino kasi natapos ko ng basahin ang ikatatlong libro ko na ang may akda ay si Bob Ong. Siguro kung mababasa ito ng dati kong titser sa Filipino, mapapahiya siguro ‘yun. Sa susunod kong posts ay mag Iingles nalang ako, bawas kahihiyan, ika ko.

Walang pasok ngayon… Hindi naman, ayoko lang pumasok. Tinatamad ako. Mangungumpanya lang naman sila ngayon, wala akong magagawa d’un kundi makipagusap ng kung kanino, wala namang pupuntahan kuwentuhan namin, nakakatuwa nga, pero tinatamad ako. Nakikinig ako ngayon kay Bryan Adams, “summer of 69″ Hindi ko naman siya kilala, naka shuffle kasi Itunes ko.

Sa pang anim na talata ng blog na ito, ano naba ang nalaman natin? Ako ay isang probinsyana, probinsyanang hindi gaanong “promdi” na nakatira sa isang lungsod, natatamad, nainspire, hindi gaanong marunong mag Filipino at nababato.

Ano pa ba kailangan malaman tungkol kay yours truly? fan ako ng Nickelback, Switchfoot, Stereophonics, Imago, Sandwich, Kamikazee, Esthero, Itchyworms, Corinne Bailey Rae, Michael Buble, Lenny Kravitz, Melissa Etheridge, Cranberries at marami pang ibang mga musikero. Pagkatapos kong mapaliwanagan ng dilaw na libro na nakabaliktad ni Bob Ong, na hindi ko pa alam ang totoong pangaan, binabasa ko ngayon(hindi ngayon as in, right now pero alam mo na ibig kong sabihin :) ) ang libro ni Alice Walker na “The Color Purple” na kay tagal ko ng sinubukang hanapin at ngayon ay natagpuan ko na.

Paborito kong flavor ng icecream ay Coffee Crumble. Hindi tinanggap ni Mrs. B ang proyekto ko sa English. Nawala ko ang una kong eyeglasses na kulay itim sa gitna at pula naman sa gilid at ang gamit ko ngayon ay itim na lang lahat. Gusto ko na ring palitan ang keyboard ko, may mga keys kasing nakakaloke, wala lang akong pambili.

Nangangarap akong may bibisita sa blog na ‘to, mag comment, magkaroon ng sariling bahay at kotse, makatapos ng kolehiyo at makabili ng bagong relo. Oo, in any order ‘yan. Sana lang mas mauuna kong makamit ang dalawa sa pinakauna(tama ba ‘yon?).

Oo nga pala, pwede mo kong tawaging AnakniTetangpulah, o AnTe for short. Gawan mo ‘ko ng bagong palayaw na sa ‘yo rin ‘yon. Maraming salamat . :)

AnakniTetangpulah,

seryosong tumatawa