Why is it not? As usual, wala akong sagot.
Magsaya!
May dahilan kung bakit ako nandito. Manatili at magbasa ng maigi, ipupusta ko pa ang natatangi kong piraso ng tootie fruiti. Meron ‘yan. Anes.
Napagdesisyunan ko na na gamitin ang aking sariling wika sa pagsusulat at sa pag wili sa aking sarili. Hindi ako nagihintay at nangangailangan, indi rin maghihintay at… ah yah… ng co mens. Este, comments. Hanggang sa maaalala ko pa ang aking account at ang password, ang anaknitetangpulah ay mananatili sa world, sa world wide web.
Malapit na ang bakasyon. Hindi magtatagal ay enrollment na naman din, kumpleto na ba at nakapasa na ang mga requirements ko? Aba’y oo…Maliban sa linggo-linggong homily na kinakailnagan pang isulat at ipasa. Kung hindi nanaman tatanggapin ang isa sa mga proyekto ko, nakakalungkot isipin at sabihin sa buong mundo na maaaring hindi nako makakapagenroll para sa susunod kong baitang, goodbye kolehiyo.
Naging mabuting mamamayan naman ako. Hindi ako nagbabayad ng tax dahil hindi panaman ako kinakailangang magbayad. Pero mabuti akong mag aaral, lima hanggat sampung minuto bago mag simula ang exams ay nagbabasa naman ako. Mabuti akong kristiyano, nagfafacilitate ako, kasama ang iba ko pang ehr.. mga kasama na magturo buong araw tungkol sa personhood, human sexuality at boy girl relationship, kasama na rin dyan ang paghihirit sa pagbabasa ko sa kapwa kong mag-aaral galing sa ibat-ibang paaralan ng mga verse sa Biblya.
Mainit. Nakakapanibago. Nakaainit ng ulo. Nakakasakal. Nakakapagod. Pero nandoon parin kami. Tatlo at dalawandaang mga estudyante ang kailangang turuan. Kinakailangang gamitin ang paraang “Learn for Fun” technique. Eh kung kami nga ay hindi halos nakaranas nun, ano paba gagawin namin? Nakatatanda siguro ako sa iba doon, pero may dalawampu’t-isang taong gulang nanga doon; Ang natatanging nakapagligtas ng araw ay ang ice breakers. Sa situasyong ‘yon, iisa lang ang ice breaker ko, salamat sa kooperasyon ng mga estudyante at ang pag teteks at walang pagkibo ng dalawa kong kasamahang naguupo-upuan lang samantalang pinapagpawisan na ako sa panik sa pagharap ng parang mga patay na tao, naging matagumpay ang ice breaker. Ang isa sa aming tatlo ay nakapag-isip na tawagin ang kasama namin sa kabila. Hindi. Inutusan ko pa. Sumunod naman. May tumulong na kaibigan na nagtuturo sa kabilang kwarto at tumpak! Naaliw at nabuhay muli ang 60 katao, 63, kung kasama kami.
Masayang malaman at maramdam ang pagkakontento sa tagumpay ng araw. Nakakapagod at draining ang experience pero worth it naman. Oo nga, dahan dahang nauubusan nanaman ako ng tagaleg.
Kakahiya ano? O siya, sarili ko! Dito nanaman muna. Hanggang sa muli kong post ng wrong grammar nanamang pag pipilit na mag Filipino!!!
-anaknitetangpulah a.k.a. Naes-

No comments
Comments feed for this article