At nakalimutan ko ang kasunod ng tula. Patawad, patawad. Heto na!! Heto na naman ang isang pahina ng maling gramatica, isang bagong serya ng hind-masyadong nakakaaliw na typos. Ihanda ang bandera. LUSOB!!!!
May gusto lang sana akong linawin.
Maliban sa linggo-linggong homily na kinakailnagan pang isulat at ipasa. Kung hindi nanaman tatanggapin ang isa sa mga proyekto ko, nakakalungkot isipin at sabihin sa buong mundo na maaaring hindi nako makakapagenroll para sa susunod kong baitang, goodbye kolehiyo.
Hindi nga ako nakasulat para sa huling mga linggo ng homily. Pero.. Tumpak! Graduado na akeh. Mwahahahahahahaha!!! Magdadasal lang ako na malinis at mahusay ang good morals na ibibigay sa amin. Pero hwag mag alala. Nasa kolehiyo na si anaknitetangpulah!
Sino ba naman ang nag-akala? Magpupulis ang vyowtee keh!!! Ihanda ang pambayad sa pangongotong. Kapag ikay nahuli, ipagdasal na may relasyon/pagkakaibigan kay anaknitetangpulah. Ang siya’y maganda/gwapo ay maliligtas. Ang hindi namay, lagot.
Sinasakripisyo ni anaknitetangpulah ang kanyang anim na piso sa umaga papuntang eskwelahan at ang muling pagagapang ng kamay sa bulsa para sa anim na pisong pagbalik sa bahay para sa pananghaliang (insert tagalog ng break), at ibang lupon na naman ng anim na piso sa pag uwi galing sa hapunang pagtitiis sa paar alan.
Tinitiis ang nakakasakit na init at nilalakad ng magiting na mag-aaral ang nagbibigay pawis na mga kilometro ng tatlumpung ektarya ng paaralan. Pinagsisikapang tiisin ang mahigpit na ngiti ng “magtuturo” at sinusubukang lutasin ang mahihirap na suliranin, hinaharap ang mahihirap na hinaharap ng munting guro. Ayh! Este, masusungit na pagsulit.
Kahapon ay natapos na ang prelim para sa Matematiko. Hindi ko alam kung matagumpay ba ang labanang iyon. Nag giyera ang amga numero at mga letrang pinipilit na i add at i subtract, isang milagro, kababalaghan na hindi ko kelan man naintindihan ang layon, ang gamit.
Kahit na ipinipilit ng guro na ibahagi ang suliraning may kinalaman sa buhay, lalo na ang pagkabuntis kapag hindi na nakakarinig ang mga estudyante ay hinding hindi ko makuha ang punto ng College Algebra. Kinakailangan ko pa bang ikutin ang isipan ng aking mga mahuhuling nagkakasala ng
3x2-[2{3x-(yz-2x)-4(2x-y2)-3x2}-4y(6y-x)]
O kaya naman ay,
para mapatunayang.. Ahah! Kriminal ka! Lits**g Meowards! O kaya namay ito ang kaikailanganin kong lutasin upang mapatawad ka ng iyong domestic partner, paano matapos ang sinusubukang lutuing nilagang manok, paglinis ng bahay, pag hinto(?) ng apoy, pag propose kay said partner.. etc, etc.
Ang sabi ng mga math teachers ay “There are many ways to kill a cow.” Ang sabi naman ng nalilito at bigong estudyante “Ma’am/Sir there are many ways that I could think of about killing you right now.” Siyempre hindi ako ito. Ayoko ng putik, ayoko ng mabaho, at higit sa lahat ayoko ng malagkit at mainit na dugo na makakamantsa sa damit ko. Mahal ata ang tide ngayon. Hehehe
Masyadong mataas na yata ito. Sa susunod na naman na kabanata ng “Boom Tarat Tarat”. Paalam sa ngayon. Ngayong tinatamad na ako sa pag rereklamo sa mundo.
“I hope to change the world through ranting and blabbing.”
- anaKniteTangpuLah-

1 comment
Comments feed for this article
April 25, 2008 at 1:29 am
osman
thanks
indir
warez
seks
kavakyelleri