What? May isa-suggest ka bang mas magandang title? No? Thought so. Iniways, napag-desisyunan kong juiceday ang Tuesday dahil? dahil ano? dahil umiinom lang ako ng juice tuwing Martes? hindi naman, anyday can be juiceday pero ala lang. Mejo nagmamadali fugly ko eh, yun ang pinakaunang nag pop.
Anong nangyaro ngayon at nagpost na naman lola niyo? Aba, maswerte ang Tuesday. Tatandaan ko ang araw na ito, May 20, 2008. Ang pinakamaswerte kong araw to date. Oh? syalso?! Una, gumising ako ng alas-nuebe ng umaga. Natapos akong maghanda para sa araw ng mga alas-diyes. Nakalimutan kong dalhin ang SP license ko sa NSO. Kinakailangan iyon para makuha ko iyung birth certificate ko na tatak NSO. Nawala iyong id ko nung hayskul kaya, wa me magawa kundi SP ang gamiting sandata sa digmaan ng yes or no.
Malas? bwahahahaha hindi. Swerte. Hindi ko na inayos ang buhok ko, isang haplos? lang Kay-oks na. Pagdating ko d’un, mataas na ang pila. Hindi ko alam kung sang pinuan ako papasok, buti na lanag at may ale na nakakaita sa resibo ko at pinagsabihan akong dumeretso sa counter. Hinarap ko iyung mama. Iyung boss nya pala iyung nasa likod. Pinag-hingan niya ako ng ID, sabi ko wala. Pinaghingan niya ako ng cedulla, wala rin. nagtanong siya kung bakit dalawa daw iyung kukunin kong birth certificate. Sabi ko, iyung isa sa kapatid ko, maliit pa kasi kayo ako nalang kukuha. Binigyan ko siya ng katiting na smile, churva. Hindi ko suot iyong eyeglasses ko pero naka sabit sa t-shirt ko kaya, kitang-kita Nilingon nya boss nya, tapos sabi nya, “sshh” kinuha nya iyung resibo na naka-staple sa BC at ibinigay sa akin. Huwag daw akong magsabi, amin lang daw iyon, sekreto. Tumpak! Ayos! Lusot!
10:15 am, about lang ha. Dumating na ako sa campus. naglakad ako patungo sa registrar’s office, controller’s, at treasurer’s. Ibinigay ko ang requirements sa SA na naka-assign sa office. Nagtanong siya kung san ang good morals ko. Sabi ko, nagpunta nako don nung isang araw at ang sabi sakin tsaka ang nakasulat sa statement of account. Pinagdasalan ko na na hindi pa ko hingan ng good moral. hindi ko na kasi maalala kung saang sulok ko na na-iwan ang papel. Tinignan niya lang ako, mga limang sigundo ang lumipas at ngumiti siya. Kinagat. Lusot part II. Nagpapirma ako sa registrar, una, parang may pinag-hihinalaan siyang mali, pinirmaan naman.
Nung hindi pa ako umabot sa office, sa paglalakad ko, may narirnig n akong sigaw. parang pangalan ko ang sinisigaw ng babae. Tila may sumasakal sa kanya, sa kaparehong takdang oras, parang may nasusunog na gusali at kinakailangan lang talaga niya ng tulong. Baguhan naman ako at wala pa masyadong kakilala, hindi ko pinansin ang nakakadurog-tengang hiyaw (bago yan ah wahaha)! Okupado palagi ang isipan ko kapag naglalakad. Hindi ko napansin na ang isa sa mga instructors ko pala ay naglalakad patungo Sci-tech, muntik na kaming nagkabanggaan. Actually muntik ko na siyang mabangga! nakapinutura ang aliw sa kanyang mukha. Nakakaaliw pala akong tignan na parang may nakalimutan, nag-iisip nang kunga ano-ano. Hay.. Napahinto ako at ng “hi” “good moning ma’am”, binati ko siya. She let out a chuckle and let me be. Before she totally left my sight, she nodded, “hi” na niya iyon, sabi ko sa sarili ko. Hindi nagtagal ng tatlong sigundo at nagsimula na naman ang tawagan. ngayon ay may kasabay nang boses ng lalaki. Ano ba?! lumingon ako. Hindi ko agad na mukhaan ang dalawang tao. Hindi ko pa suot ang eyeglasses ko. Agad kong sinuot, pagkatapos kumunot ang kilay.. ahh.. mga kaklase ko pala sa Algebra. Tinawag nila ko at inimbitahang sumama sa kanila pabalik sa building. Isinigaw ko naman ang tanggi. May sinabi pa ang dalawa, hindi ko na pinansin, may panahon pa akong bumayad, tsaka pag swerte, magpapapima ako sa controller.
(senxa nga pala sa order… ang ganda ng araw pero puyat pa rin akeh)
10:30 Algebra na. Late ako ng 4 minutes. Hindi dahil 4 minutes nalang ang natira para maligtas ko ang mundo. Hindi dahil kay Madonna. Mabagal pumirma iyung babae… lol. Ay nga pala, party namin bukas. Hindi ko ba alam kung bakit kami mag-fefarewell [arty, hindi ko nga halos kakilala mga kaklase ko, yung mga lalki lang na nasa likod, iyung mga “kriminal”. Magdadala ako ng dalawang loaves. Oo, bread. Huwag mo nang piliting ikutin sa akin ang Filipino version. Pandesal lang alam ko. Sorry na. hahaha?
All in all, marami akong lusot nung araw na yon. Binigay sa’kin nung mama ang birth certificate ko ng walang resibo, walang ID, walng nikenokucha. Anong ginawa ko? ala. Nag smile lang ako nangganito,
tapos lumingon siya, sabi nya, “ssssssssshhhhhhh”. Tumangeh nalng fugly ko at nagpasalamat. Pati, bc ng kapatid ko nakiha ko pa. Take note, kids, walang make up. Walang kasuklay-suklay yung buhok kong…. hindi maganda tignan. Ang bait ng mama noh? Good samaritan? Baka nga.
I’m sure namiss mo? nyo? in yung mga isang dosenang dosena kong mga typos at grammatical errors. Hindi na ko Crminology ngayon.. bakit?
sa susunod, mga kapatid.
-anaknitetangpulah-