At hindi yung kanta ni boy gwapong kano (Rick Astley) ang ibig kong sabihin. Maganda ang kanta, pero, ang blog na ito, makakapagbukas-isip, makakalungkot sa katotohanang mababasa sa bawat linya, isang inspirasyon, walang kwenta, pero sabayan mo na lang ako, pwede?
Isa-isang sinusunog ng mga “barbarok” ang ating mga barangay, mga barriong mumuntihin, kinakalat ang kawalang-katarungan sa mapapayapang tahanan ng ating mga kababayan. Mga paaralan, pangalawang tahanan ng ating kabataan, wasak! Pilipino, laban sa kapwa Pilipino. Kawalan ng pagkakaisa at pagkakaisahan laban sa mga inosente. Dahil sa ano? Relihiyon nga ba? Ang maputik na politiko ng ating bansa? Ang pagkaramot ng mga rebelde? Lahat ng ito, makikitang rason para sa kaguluhang nangyayari sa Pilipinas, lalo na sa Mindanao – perlas ng silanganan. Tahanan ng aking lahi. Nasisira. Naghihirap.
Sa panahon at sa pagpanguna ng nakaraang Presidente na si Fidel V. Ramos, ipinaligal ang mga Komunista sa ating bansa. Musmos pa ako ng nangyari yun. May dalawa ng presidenteng namuno pagkatapos ng paghari ni Ramos. Bakit hindi ibinalik ang katarungan? Isa tayong Republiko na nasyon. “Kung gusto nilang maging Komunista sa Republiko nating bansa, umalis sila at mangibang-pook sa Tsina, o kung saang Komunistang bansa meron.” ani ni Propesor Terror. May tama siya, mga kaibigan.
Nasakapangyarihan nina Gloria Macapagal (‘ang mukha’)-Arroyo at Joseph Ejercito “Erap, ‘nagpahirap sa mahirap‘” Estrada ang paglinas sana ng pagkaligal ng mga Komunista sa ating nayon. Bakit hindi nila ginawan ng paraan ‘yun nung meron pa silang pagkakataon? Meron tayong mga kapwa sanang Pilipino na walang ulirat ng nasyonalismo na nasa Konggreso, nasaan na ang inilaak na pork barrel para sa proyektong makakapaunlad ng at sa Pilipinas? Paano tayo makakasiguro na hindi tayo tinatalikuran at ipinapagkanulo ng mga nagpapalagay nating mga pinuno? Madali nating masasabi na may mga konggresista na taksil at namimili ng armas para sa mga MILF na yan!
Nasaan na ba ang mga ibinoto nating mga pinuno, na sana ay tumutulong sa atin ngayon? Sumosobra na ang pagkakait nila sa ating mga mamamayan, na walang-takdang kalayaan! Inaabuso na ng iba sa ating mga Pilipino ang Demokrasya! Demokrasyang ipinaglaban ng ating mga ninuno. Wala na ang pinaghirapang adhikaing inadhika nina Jose Rizal, Apolinario Mabini, Emilio Aguinaldo at iba pa! Nakatakas nga tayo sa kahirapang dulot ng mga Español at mga Hapon, nilalait at sinasaktan, pinipiga at inaapi naman tayo ng ating mga kababayan! Mga kababayang walang karapatang tawaging Pilipino!
Ipinapagyabang ko pa ang kapayapaan at kalinawan dito sa aking nayon, noon. Hindi ko na masasabi ito ngayon. Dapat ng itigil ang kababuyan! Palayain na nila tayo sa takot na tayo ang susunod na aatakihin ng mga “barbarians!” Alisin ang mga mararamot at makasariling tampalasan! Gisingin natin ang mga nabibilang na nilalamok na utak ng mga “pinuno” at mga impleyado ng Gobyerno. Ipag-alay ng dasal ang mga tapat nating mga sundalo.
Bigyan natin ang ating mga sarili ng rason para maawit ng buong puso ang Lupang Hinirang! Huwag nating hayaang baliktarin nila ang mga kulay ng ating bandila! Kapayapaan, ipagdasal natin mga kaibigan.
-anaKniTetangpuLah-
“concerned citizen of year 30888″
Charr!!
hahahaha
grabe njd ka.concern ning uban citizen..ahehe
kulbaan ka atakihon ta noh?!…ahw ako pd kulbaan..hehe
hahahaha..barbarok nd tmpalasan huh?!..new word from you..hehehe
maghimo tang column nimo sa Philippine daily Inquirer..ibutang daun ni..tawag d na masiga ila mata makabasa ani..hehe
Basin after ani mka.feel daun tag nirvana!!!!!ahahahahah
citizen patrol…pasoookkk..ehehe
kincha gama ani..aus lageh…
naa mi assignment gama talumpati..ala paku kahimo..ako nalang ning awaton..ahw…eheheheh..joke…
wui maicah…lady..(^-^)
“Nasaan na ba ang mga ibinoto nating mga pinuno, na sana ay tumutulong sa atin ngayon?”
Totoo..talaga toh..and sama naman..kaya minsan ayaw ko nang bomoto!!..
sobra talaga!!..parepareho lang silang lahat!..walang mapagkakatiwalaan!!
tnx sa comments *hearts*
Mai, awa ra, naanad nakog Pinilipino, gi career najud, basta maka tagbo kug Ingles nga word, wana nose bleed! LOL
Ay xempre, patriotic baya ni heheheh
Auto